Wednesday, December 9, 2015

Patawad-Paalam

Salamat sa mga sandali, ika'y aking nakasama;
Patawad at nasira ko ang iyong paalala;
Ika'y mhalin ay bawal nga pala;
Patawad at akin itong nasira,

Salamat sa mga oras na iyong binahagi;
Maaalala ko ang bawat masayang sandali;
Ngunit ikaw at ako nga pala ay mali;
Lahat ng sandaling ito ay mali,

Sa araw na ito atin ng tapusin ang ikaw at ako;
Patawad muli at nakalimot ako;
Itutuloy ko muna buhay na mag-isa;
Patawad muli bahagyang nakalimutang may mahal ka'

Patawad-Paalam minahal kita;
Ikaw ay magiging bahagi na ng aking mga letra;
Letrang isusulat ko sa aking mga tula;
Patawad-Paalam, Minahal kita.

No comments:

Post a Comment