Wednesday, December 9, 2015

Bente-Kinse (2015)

Akin munang itatala ang sandaling ito;
Sapagkat aking nakilala isang maginoo;
Biglang nagalak puso kong bato;
Tila tumigil sandali aking mundo,

Kasing ningning ng bituin kanyang mga ngiti;
Ako nama’y lihim napapangiti;
Marahil nga ako ay magkamali;
Akin pa din iisipin bawat sandali,

Sa paghawak mo sa aking kamay;
Ginising mo ang aking buhay;
Maraming salamat sa pagdamay;
Sa puso kong akala ko’y patay,

Bente-Kinse aking itatala;
Sa papel kong puno ng salita;
Araw na ito’y puno ng saya;
Ngayo’y kabilang na sa aking mga tula,

Maraming Salamat sa’yo, Hihintayin ko sususnod nating kwentuhan;
Ang tulang ito’y hindi ko tatapusin;
Bagkos itutuloy sa panahong ika’y muling makakapiling.

No comments:

Post a Comment