Wednesday, December 9, 2015

Ako'y Maghihintay

Ako’y litong-lito sa mga ipinapahayag mo
Ako nga ba ay mahal mo o kaibigan lamang ako?
Hindi ko na maintindihan ang iyong gusto
Maari bang sabihin mo kung ano ako sa buhay mo?
 
Nagsimula ang lahat sa birong ako’y iibigin mo
Ngunit akin yata itong sineryoso
Ako’y patawarin ‘pagkat akala ko ito’y totoo
Nakalimutan ko, tayo pala ay naglalaro
 
Pangarap ko pa din na ako’y iyong mahalin
Maaari bang ako nama’y iyong sulyapin?
Kung i-alay ko aking pag-ibig ako ba ay tatanggapin?
Sana tumugon ka nang oo dahil gusto kitang yakapin
 
Sa mga mata at ngiti mo ako’y alipin
Bawat oras na lilipas akin itong hahanap-hanapin
O, kay sarap naman isipin
Balang araw, pag-ibig ko’y iyong  tatanggapin
 
Huwag mag-alala, ako nama’y naghihintay
Ako sayo ay maghihintay habang ako ay may buhay
Dahil alam kong ikaw ang tunay na bigay
Nang Panginoon sa aking buhay

No comments:

Post a Comment